Pananampalatayang Nakabatay sa Kaalaman
Kasulatan: Lucas 9:1–11
Pagninilay:
Sa ating paglalakbay ng pananampalataya, mahalaga na nauunawaan natin kung sino ang ating pinaniniwalaan. Ang tunay na pananampalataya ay hindi bulag, kundi nakabatay sa kaalaman ng kung sino si Jesus at ano ang Kanyang layunin. Sinasabi ni Jesus sa Juan 6:29 na ang kalooban ng Diyos ay ang manampalataya tayo sa Kaniya, ang Kaniyang ipinadala. Ang pananampalatayang ito ay hindi lamang basta pagtanggap kundi may kasamang pagtitiwala at pagtalima sa Kanya.
Sa Lucas 9:1-11, makikita natin kung paano tinuruan ni Jesus ang Kanyang mga disipulo na ipalaganap ang Mabuting Balita. Binigyan Niya sila ng kapangyarihan at awtoridad, hindi para sa kanilang sariling layunin, kundi upang isakatuparan ang gawain ng Diyos—ang pagpapagaling, pagpapalaya, at pagdadala ng mensahe ng kaharian sa mga tao. Ipinakita ni Jesus na ang pananampalatayang may kaalaman ay may kasamang pagkilos.
Sa ating sariling buhay, kung kilala natin si Jesus at ang Kanyang mga gawa, mas magiging matatag ang ating pananampalataya. Maari tayong magkaroon ng kapayapaan sa gitna ng mga pagsubok, sapagkat alam natin ang Kanyang kapangyarihan at pagmamahal. Sa bawat hakbang na ating ginagawa sa pananampalataya, mas lumalalim ang ating kaalaman sa Diyos, at mas lumalapit tayo sa Kanyang layunin para sa atin.
Panalangin:
Panginoon, tulungan Mo akong makilala Ka nang lubusan. Bigyan Mo ako ng pananampalatayang nakabatay sa tamang kaalaman, hindi lamang sa naririnig kundi sa personal na karanasan ng Iyong kabutihan at katotohanan. Patnubayan Mo ako na sundin Ka ng buong puso, at maglingkod sa Iyong kaharian. Amen.
Kung may Diyos po tayo saating buhay ano mang pagsubok ang dumating sa ating buhay mananatili po tayong malakas dahil ang nasa pusot isip po natin na ang bawat pagsubok na atin pong kinakaharap ay may dahilan , sabi ngapo ni everythings happened for a reason . Huwag po nating talikuran ang nag bigay buhay saating lahat dahil nag iisa lamang po siya , siya po ang ating Panginoong maykapal.
ReplyDeleteMinamahal tayo ng Diyos kahit na tayo pa ay makasalan kaya't mahalin rin natin ang ating
ReplyDeletekapuwa.At higit sa lahat pahalagahan natin ang ating sarili at mga bagay na ibinigay sa atin.Dahil Ang lahat ng nasa atin ay hiram lamang sa Diyos.Huwag po nating talikuran ang nag bigay ng Buhay natin.
mahalin natin ang ating kapwa ng higpit pa sa pagmamahal natin sa panginoon
ReplyDeleteMas lalo tayong pag papalain ng panginoong Jesus kung tayo ay mabait din ang balik sa ating kapwa tao. Maging mabait ka sa iba at ganun din ang ibabalik sayo.Kung sila man ay naging masama sayo maging mabait ka padin sa knila dahil Ang diyos Ang may alam sa lahat mag patawad ka at maging mapagpakumbaba ka dahil dyan ka lalo pag papalain ng panginoong Jesus.
ReplyDeleteCezo, Mhae Ann A.
BSHM 2-A
Cez
Ang pananampalataya ay hindi lamang pagtanggap kundi, pagtitiwala narin sa ating diyos
ReplyDeleteAng pananampalataya kay Jesus ay nagdadala ng pagbabagong-loob. Pinapatawad ang mga kasalanan at binibigyan ng bagong simula.
ReplyDelete2 Corinto 5:17: "Kaya't ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao; siya'y bago na."
KYLA ABUBO
BSHM2-A